Menu

top banner

A+ A A-

Handa Ka Ba Sa Grassfire?

  • Written by Rodel Basco
  • Category: Safety Tips
  • Hits: 2799
Papalapit na naman ang panahon ng tag init at panahon na naman ng mga summer outing sa mga resorts, beaches at ang pinaka sikat ay ang pag akyat ng Baguio City. Sa ating paglalakbay mapa national highway man ito o mga pribadong expressway tulad ng NLEX, SCTEX, at CAVITEX nagkakaroon ng mga aberya sa daan na minsan ay hindi inaasahan tulad na lamang ng isang Grassfire. Ang grassfire ay sanhi ng sobrang init ng panahon o kayay sadyang pagsunog ng mga agricultural waste tulad ng dayami at pinagtabasan ng tubo na nagiging sanhi ng makapal na usok sa ating dinadaanan. Gaano nga ba tayo kahanda kapag nakakita tayo ng grassfire o makapal na usok sa ating madadaanan? Itutuloy ba natin ito kahit wala na tayo makita sa daraanan natin? O bibilisan natin para makalampas tayo kaagad sa makapal na usok? Ang desisyon ng driver sa mga aberyang paparating ay lubhang napakahalaga dahil naksalalay dito ang kapakanan ng kanyang sarili at kanyang mga pasahero. Narito ang ilang mga tips o paraan para maka iwas sa isang aksidente dulot ng grassfire. •Kung hindi gaanong makapal ang usok, magbagal ng takbo, buksan ang headlights, manatili sa isang linyang daan na kung saan palayo sa pinangagalingan ng usok hanggang makalampas sa grass fire. •Kung makapal ang usok o zero visibility huwag dumiretso, itabi sa emergency lane ang sasakyan at buksan ang hazard lights. •Tumawag sa emergency hotline ng NLEX (02)3-5000, SCTEX-09209672839, at para sa patrol assistance. Have a safe journey! *source, NLEXpress Issue No.1