Menu

top banner

A+ A A-

Hi-Tech Talaga!

  • Written by Jahzeel Ramos
  • Category: News
  • Hits: 2512
Sa araw-araw na ating paglalakbay sa loob ng expressway, marami ang hindi gaanong pamilyar sa ating mga makabagong pasilidad upang makakuha ng assistance o impormasyong kinakailangan na may kinalaman sa NLEX. Ating isa-isahin at alamin kung paano sila makaka-kontak. VMS o Variable Message Sign. Ito ay isang electronic signage kung saan naka-display ang kasalukuyang status ng trapiko sa isang particular na bahagi ng expressway. Sinasabi rin nito kung saan ang mas mainam na alternatibong ruta sakali man na sadyang mabigat ang daloy ng trapiko. Ito din ay nagbibigay ng paalala sa patungkol sa ligtas na pagbiyahe. Kadalasan ito ay naka-puwesto bago mag-entry sa mga Toll Plazas. ECB o Emergency call Box. Ito ay mga maliliit na posteng kulay “orange” na kadalasang matatagpuan sa mga Emergency lanes. Kung sakaling ikaw ay magka-problema sa iyong vehicle, kaagad lamang magtungo sa pinakamalapit na ECB, pindutin lamang ito at direkta ka ng makaka-connect sa Traffic Control Room ng Nlex kung saan automatic na matutukoy ang iyong lokasyon. NLIGTAS mobile application. Real-time travel advisory na maaari ng mai-download sa GOOGLE PLAY para sa Android at sa PLAY STORE para sa Apple. Ito ay naglalayon na mas lalong palawigin ang impormasyon na nakikita sa website. Pwede rin itong gamitin upang malaman ang “ETA” o Estimated-Time-of-Arrival na inyong magagamit upang matantya ang oras ng iyong pagbiyahe mula sa iyong pag-entry ng NLEX hanggang sa inyong pag-exit. Sa pamamagitan din nito ay maaari mo ding matukoy kung saang bahagi mayroong isinasagawang pavement works. Hindi rin pahuhuli ang mga Social Media gaya ng Twitter. Para naman sa lahat ng aktibo sa nasabing site, i-follow lang sa @nlextraffic upang maging updated sa daloy ng trapiko. Nariyan din ang NLEX/SCTEX hotline (02) 35000 kung kayo ay nangagailangan ng assistance o nais magbigay ng saloobin patungkol sa kanilang karanasan sa NLEX o SCTEX. Ito ay bukas din sa inyong mga komento o suhestyon upang mas lalo naming mapahusay ang kalidad ng serbisyong ibinibigay. Bukas ang linyang ito 24/7. Hatid ng pamunuan ng Metro Pacific Tollways ang maayos at ligtas na toll roads upang makarating tayo sa ating mga destinasyon ng mabilis at ligtas. Kaya naman patuloy ang pamunuan sa pagsasaliksik ng mga paraan upang mas mapabuti pa ang serbisyo sa NLEX at SCTEX.
Share